Libo-libong bagong abot-kayang tahanan para sa mga nangungupahan, darating na

  • Page Views 534
  • VANCOUVER – Malapit nang magkaroon ng mga bagong abot-kayang paupahan para sa mga
    mamamayang mayroong katamtaman at mababang kita dahil iniimbitahan ng Province ang mga non-
    profit, First Nations, munisipalidad at iba pang organisasyon upang magsumite ng mga proposal para sa
    Building BC: Community Housing Fund (CHF).

    “Nasa gitna tayo ngayon ng isang krisis sa pabahay, at matitiyak ng bagong round ng pagpopondo para sa
    CHF na mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng access sa abotkayang tirahan sa pamamagitan
    ng pagtatayo ng humigit-kumulang 3,500 tahanan,” sabi ni Ravi Kahlon, Minister of Housing. “Ito ay isang
    malaking hakbang tungo sa ating hangarin na magkaroon ng 20,000 tirahan na pinondohan ng CHF
    pagsapit ng 2023, habang mabilis na pinaparami ng ating province ang housing stock upang matirhan ito
    ng mga mamamayang kailangan ito ngayon at sa hinaharap. Kasama ang ating maraming partner,
    lumalapit tayo sa ating hangarin ngunit alam naming mas marami pa ring kailangan gawin.”

    Ang mga proposal para sa CHF ay pinangangasiwaan ng BC Housing at ito ay tatanggapin hanggang
    kalagitnaan ng Nobyembre 2023. Susuriin ang mga project proposal at inaasahang humigit-kumulang
    3,500 units ang iaanunsiyo sa unang bahagi ng 2024.

    Hinihikayat ang mga non-profit organization, housing co-operative, munisipalidad, First Nations at
    Indigenous-led societies na magsumite ng kanilang mga housing proposal at mag-apply para sa
    pagpopondo.

    “Malugod naming tinatanggap ang pagtugong ito sa matindi at mas lumalaking pangangailangan para sa
    mas ligtas, may seguridad, at abot-kayang pabahay para sa mga nakatira sa British Columbia,” sabi ni
    Thom Armstrong, CEO ng Co-operative Housing Federation of British Columbia. “Mayroong paparating
    na tulong para sa mahigit 3,500 households na nahihirapang matustusan ang mga gastusin ngayong
    overheated (lubos na competitive) ang housing market. Nagpapatuloy ang pamahalaang ito na maging
    halimbawa sa Canada sa pamamagitan ng pagtukoy bilang priyoridad sa pagkakaroon ng bagong abot-
    kayang housing supply.”

    Ang mga proyekto ay gagawing priyoridad batay sa ilang pamantayan, kabilang ang mga nasa priyoridad
    na populasyon at ang epekto ng proyekto sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad para sa abot
    kayang paupahan. Magkakaroon din ng pagpopondo para sa pagdevelop ng proyekto para sa mga
    proyektong kailangan ng karagdagang pagsusuri at pag-aaral upang maging handa sila sa susunod na
    funding call ng CHF.

    Nagsagawa ng pag-aanunsiyo sa CHF project na may 102 unit sa 75 and 95 Marine Dr. Sa Vancouver,
    isang gusali na pinondohan ng CHF at pinapamahalaan ng New Chelsea Society.

    “Nakapokus ang City of Vancouver sa pagbibigay ng mas abot kayang pabahay at magpapatuloy ito na
    gawin ang lahat upang manguna ang rehiyon sa bagong pag-apruba ng pabahay at magkaroon ng
    attainable housing sa lungsod,” sabi ni Ken Sim, mayor ng Vancouver.

    “Nagpapasalamat kami sa aming mga partner sa probinsiyal na pamahalaan na nauunawaan na
    kailangan natin ng mas maraming pabahay para sa mga mamamayang itinuturing tahanan ang lungsod
    na ito,” Magpapatuloy kaming makikipagtulungan upang makapagtayo ng mga pabahay na kailangan ng
    mga naninirahan sa Vancouver.”

    Ang CHF ay isang investment na nagkakahalagang $3.3 bilyon upang makapagtayo ng mahigit 20,000
    abot kayang paupahang tirahan para sa mga mamamayang may katamtaman at mababang kita pagsapit
    ng 2031-32. Humigit-kumulang 9,000 sa mga tirahang ito ay maaari nang upahan o kasalukuyang
    itinatayo sa buong province. Maglalabas ng karagdagang proposal call para sa CHF sa susunod na apat na
    taon upang maitakda ang pagpopondo para sa mga natitirang unit.

    “Dahil mas mabilis na tumataas ang bayad ng upa sa B.C. kumpara sa ibang bahagi ng bansa, ang mga
    tirahang pinondohan sa pamamagitan ng Community Housing Fund ay kailangang kailangan na ngayon,”
    sabi ni Jill Atkey, CEO ng BC Non-Profit Housing Association. “Masugid na hinihintay ng mga provider ng
    non-profit housing ang proposal call na ito, at ang mga abotkayang development na makakatulong sa
    pag-asenso ng pamumuhay ng libo-libong indibidwal at mga pamilya hanggang sa mga susunod na
    dekada.”

    Mahalagang Impormasyon:

    • Sa ilalim ng programa ng CHF, karamihan sa mga residente (70%) ay nagbabayad ng upa ayon sa
    kanilang kita, kung saan ang renta ay batay sa 30% ng household income (buong kita ng lahat ng
    magkakasama sa bahay).
    • Kabilang dito ang 20% ng mga unit para sa mga residente na may lubos na mababang kita, tulad ng
    mga tumatanggap ng tulong para sa kita (income assistance) o kapansanan (disability assistance).
    • Ang balanse (30%) ng mga unit ay makukuha batay sa market rent (bayad sa upa ayon sa pribadong
    merkado ng pabahay) o mas mababa sa market rent para sa mga household na may katamtamang antas
    ng kita.
    • Ang unang CHF intake ay isinagawa noong 2018 at ang pangalawang intake ay kinabilangan ng isang
    call para sa mga proposal na may dalawang yugto noong fall 2020 at Enero 2021.
    • Sa pamamagitan ng CHF at ibang mga probinsiyal na investment na isinagawa mula 2017, mahigit
    76,000 tirahan ang nakumpleto o kasalukuyang itinatayo sa buong B.C.
    Karagdagang Impormasyon:

    Para sa impormasyon tungkol sa Building BC: Community Housing Fund at request para sa proposal:
    https://www.bchousing.org/projects-partners/Building-BC/CHF.

    Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bagong Homes for People action plan ng pamahalaan:
    https://news.gov.bc.ca/releases/2023HOUS0019-000436

    Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga ginagawang hakbang ng Province upang malutas ang
    housing crisis at makapagbigay ng mga abot-kayang pabahay para sa mga nakatira sa British Columbia:

    Housing

    (Makipag-connect sa Province of B.C. sa: news.gov.bc.ca/connect)

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • Here's a story with my byline for PST, and again, it's about the continuing feud between the Marcos and Duterte camps. Please use headshot photos of BBM and Sara.
      12 January 2025
      3 weeks ago No comment

      What’s at stake for BBM, Sara in 2025 midterm elections

      On May 12, some 68 million voters will cast their ballots in the 2025 midterm elections in the Philippines. Up for grabs are more than 18,000 positions. These cover 12 senators, 254 district representatives, 63 party-list representatives, and 17,942 governors, provincial board members, mayors, and councillors. The exercise will ...

    • 23 December 2024
      1 month ago No comment

      Mission/Vision FCCHS

      The Fil-Can Cultural Heritage Society of FCCHS is a non-profit organization established for the purpose of engaging the Filipino-Canadians to immerse themselves in the rich heritage of their ancestors. Our vision is to actively participate, celebrate and promote Filipino cultural and social heritage and values to the various Surrey communities and ...

    • Members & Officers of the PMB holding the City Proclamation of IMD at the CIty Hall in Barrie, Dec 17. (Photo credit: PMB)
      23 December 2024
      1 month ago No comment

      International Migrants Day Proclaimed in BC and Barrie, Ontario!

      Victoria, B.C. — The Province of British Columbia proclaims December 18 as International Migrants Day in the whole province to recognize the contributions of migrants to the province as well as the many challenges they face in Canada. The Provincial Proclamation was witnessed and signed by the Honourable Janet ...

    • I'm hoping you can let me share the spotlight with Pareng Rey in this story about the "75 Faces of Migration". I'm sending here a photo of mine and for caption, just use my name: Carlito Pablo.
      17 December 2024
      2 months ago No comment

      PNT’s Rey Fortaleza and Carlito Pablo honoured in 75 Faces of Migration

      The “75 Faces of Migration” tells inspiring stories of Filipinos in Canada and their remarkable journey. The initiative is a joint undertaking by the Embassy of Canada in the Philippines and the Philippine Embassy in Canada. The storytelling project is one of the highlights of the celebration in 2024 ...

    • 12 December 2024
      2 months ago No comment

      PNT’s Rey Fortaleza and Carlito Pablo honoured in 75 Faces of Migration

      The “75 Faces of Migration” tells inspiring stories of Filipinos in Canada and their remarkable journey. The initiative is a joint undertaking by the Embassy of Canada in the Philippines and the Philippine Embassy in Canada. The storytelling project is one of the highlights of the celebration in 2024 ...